Liham
Liham
Ang Liham Project ay nagmula sa pagbibigay ng mga sulat bilang paraan ng pakikipag-ugnayan sa ating mga mahal sa buhay. Sa live workshops, hinango ng participants ang ganitong uri ng komunikasyon, at ginamit ang pagguhit ng mga larawan at pagsusulat ng mga liham upang maitala, mapagnilayan, at maikwento ang kanilang mga karanasan bilang mga migranteng manggagawang Pilipino, at upang makatulong rin sa pagtahak sa buhay habang nalalayo sa kani-kanilang mga pamilya, lalo sa kalagitnaan ng pandemya.
POST BOX:
Mga liham na isinulat at iginuhit ng mga migranteng manggagawa para sa kanilang mga mahal na buhay, komunidad at iba pang mga kababayan.
Pindutin ang mga imahe para pakinggan ang artist.
Day 1: Basics ng pagguhit at pagkukulay
Sinimulan namin ang session sa warm-up exercises, pagguhit, pag-shading, at pagkukulay ng mga simpleng hugis na 3D. Sa workshop na ito ay iginuhit ng participants ang mga bagay na nagpapaalala sa kanila ng kanilang mga mahal sa buhay.
Day 2: Paggawa ng sobre
Gamit ang envelope bilang representasyon ng paglalakbay at paglalaman ng mga kwento, gumawa ang participants ng sobre mula sa blankong papel, at dinisenyuhan ito bilang isang anyo ng self-portrait, ayon sa kung paano nila nakikita ang kanilang mga sarili bilang mga OFW.
Day 3: Pagguhit ng mga lugar o landscape
Gumawa ang participants ng mga postcard na naglalarawan ng kanilang mga paboritong lugar habang sila ay nasa ibang bansa. Dito sa workshop na ito, aming pinag-usapan ang kanilang mga paboritong gawin at puntahan tuwing day-off.
Day 4: Ang kanilang pangalawang tirahan
Lumikha ang ating participants ng cube na yari sa papel, at iginuhit ang lugar na kasalukuyang nilang tinutuluyan. Dito aming pinagkwentuhan ang kanilang mga buhay sa labas ng kani-kanilang mga trabaho: ang espasyo kung saan sila nakakapagpahinga at nakakapagpalipas ng libreng mga oras.
FACILITATORS
Henrielle Pagkaliwangan
Artist / Facilitator
Julia Mariano
Co-facilitator / Coordinator for Taiwan
Spokesperson, Migrante International - Taiwan Chapter
Volunteer, Serve the People Association - Shelter
PARTICIPANTS
Lyn
Hongkong
Si Lyn ay nagsimulang gumuhit bilang pampalipas-oras, at upang malabanan ang lungkot bilang isang domestic worker sa Hong Kong. Dito niya natuklasan ang kanyang talento sa sining. Inaabangan niya parati ang mga workshop dahil dito niya nakakausap ang kapwa niya mga OFW. Bagamat iba-iba sila ng bansang kinalalagyan ay napapagkwentuhan nila ang kanilang mga karanasan bilang mga artist at mga migranteng manggagawa.
Kahit na abala ay sinisikap niyang hanapan ng oras ang sining-- minsan ay gumuguhit siya habang kumakain, naglilinis, o naglalabas ng mga basura. Nais ni Lyn na hikayatin ang mga kapwa OFW na hanapan ng oras ang kanilang mga hilig. Binubuhos nila ang oras nila para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, ngunit dapat rin ay huwag nilang kalimutan ang kanilang mga sarili. Sa hinaharap ay nais niya ring hasain ang kanyang talento sa pagkanta.
Noemi
Hongkong
Si Noemi ay halos 18 taon nang migranteng manggagawa. Nagtrabaho siya nang 2 taon sa Taiwan bago lumipat sa Hong Kong, kung saan siya’y tumulong magtatag ng Guhit Kulay, isang Filipino migrant artist collective sa Hong Kong, noong 2017. Bago nabuo ang organisasyon, ginugol ni Noemi ang kanyang mga day-off sa pagguhit sa parke.
Ayon kay Noemi, nakakasabik ang Kamustahan sessions dahil bilang self-taught artist, may mga bagong kaalaman siyang nadidiskubre sa mga workshop. Ikinagagalak niya ring makilala ang iba pang mga OFW mula sa iba’t-ibang sulok ng mundo sa online na espasyo. Gamit ang kanyang mga natutunan mula sa Kamustahan, si Noemi ay sabik nang makapagsagawang muli ng physical art workshops para sa Guhit Kulay.
Cris
Hongkong
Si Cris ay 25 taon nang nagtatrabaho sa Hong Kong, kung saan siya ay isang aktibong miyembro ng Guhit Kulay, isang migrant artist collective na nabuo noong 2017.
Bago ang pandemya, si Cris ay isang visual artist na sumasali sa mga workshop at nag-oorganisa ng mga exhibit sa Hong Kong. Dahil sa lockdown, tinutukan naman niya ang pagbuburda at pagtatahi ng mga mask para sa kanyang mga kaibigan.
Lumaki siya sa Baguio kung saan mayroon rin siyang isang gown rental business. Nais niyang gamitin ang kanyang mga natutunan sa mga workshop sa pagpapalago ng kanyang naturang negosyo.
Myles
Taiwan
Si Myles ay isang factory worker sa Taiwan. Sa kabila ng pagiging abala ay sinisikap pa rin niyang makasali sa mga workshop, dahil nakakapawi ito ng pagod mula sa halos araw-araw na pagtatrabaho. Ayon kay Myles, pinili niya ang Liham workshop dahil mayroon na siyang kasanayan sa pagguhit, pero patuloy pa rin ang pagdiskubre ng bagong mga kaaalaman kasama ang ibang pang mga participant.
Ang kanyang paboritong session ay ang pagguhit ng kanyang mga paboritong lugar na nagbigay pagkakataon sa kanyang balikan ang kanyang kabataan at iba pang mga ala-ala. Nalilibang siyang gumawa ng sining kasama ang iba pang mga participant sa Zoom: dito ay para na rin siyang nakikipagusap sa kanyang mga kaibigan.
Cielo
London
Cielo spends most of her time organizing for Filipino Domestic Workers Association (FDWA). For Cielo, a hobby is something that one likes doing, and when asked about hers, the first thing that comes to her mind is organizing. Organizing for FDWA is part of Cielo’s daily routine; she responds to the call of migrant workers who need assistance and rescues them from abusive employers, any time of the day.
She is one of the co-facilitators of the Mayflowers project which started because of the Beyond Myself Exhibition back in 2017. What motivated Cielo to co-facilitate the workshop was her intention to build a network of migrant workers from Taiwan and Hongkong.