top of page

Layunin ng Sanga-sanga na isalin sa anyong biswal ang mga network ng kalinga na nabuo upang suportahan ang mga migranteng manggagawa at kanilang mga pamilya sa gitna ng pandemya. Tinatalakay rin nito ang mobility pati na rin ang kakulangan nito, sa paggawa ng mga likhang-sining hango sa anyo ng mga train map at ng ibon.
 

Sinisiyasat sa dalawang online workshops ng Sanga-sanga ang mga temang ito, kasama ang dalawang migranteng manggagawang sina Noemi Manguerra at Cristina Cayat na mga co-founder ng Guhit Kulay artist collective sa Hong Kong, at si Alma Quinto bilang co-facilitator. 

 

Ang workshops ay pinamagatang “Sanga-sangang Ayuda Ngayong Pandemya” at “Agtayab Tabon” (Tayo’y Lumipad). Dito nabigyan ng espasyo ang participants na lumikha ng sining, kilalanin ang isa’t-isa, at magpalitan ng kanilang mga karanasan sa pagtahak sa buhay sa presensya ng nakamamatay na virus.

agtayab tayon
Sanga-sangang Ayuda

Facilitators

alma.png

Alma Quinto

Visual artist, cultural worker and educator

Cris.png

Cris

Co-founder and Program coordinator,

Guhit Kulay Migrant Artist Collective

Hongkong

Si Cris ay 25 taon nang nagtatrabaho sa Hong Kong, kung saan siya ay isang aktibong miyembro ng Guhit Kulay, isang migrant artist collective na nabuo noong 2017.

Bago ang pandemya, si Cris ay isang visual artist na sumasali sa mga workshop at nag-oorganisa ng mga exhibit sa Hong Kong. Dahil sa lockdown, tinutukan naman niya ang pagbuburda at pagtatahi ng mga mask para sa kanyang mga kaibigan. 

Lumaki siya sa Baguio kung saan mayroon rin siyang isang gown rental business. Nais niyang gamitin ang kanyang mga natutunan sa mga workshop sa pagpapalago ng kanyang naturang negosyo.

Noemi.png

Noemi

Co-founder and President,

Guhit Kulay Migrant Artist Collective

Hongkong

Si Noemi ay halos 18 taon nang migranteng manggagawa. Nagtrabaho siya nang 2 taon sa Taiwan bago lumipat sa Hong Kong, kung saan siya’y tumulong magtatag ng Guhit Kulay, isang Filipino migrant artist collective sa Hong Kong, noong 2017. Bago nabuo ang organisasyon, ginugol ni Noemi ang kanyang mga day-off sa pagguhit sa parke. 


Ayon kay Noemi, nakakasabik ang Kamustahan sessions dahil bilang self-taught artist, may mga bagong kaalaman siyang nadidiskubre sa mga workshop. Ikinagagalak niya ring makilala ang iba pang mga OFW mula sa iba’t-ibang sulok ng mundo sa online na espasyo. Gamit ang kanyang mga natutunan mula sa Kamustahan, si Noemi ay sabik nang makapagsagawang muli ng physical art workshops para sa Guhit Kulay.

Participants

Francia.png

Francia

Taiwan

Bilang isang migranteng mangagawa, si Francia ay nagpalipat-lipat na sa apat na bansa: Singapore, Macau, Hong Kong, at Taiwan. Noon ay mas komplikado ang pagiging isang OFW dahil sa limitadong pamamaraan ng komunikasyon-- kahon-kahon ang naipon niyang mga liham noong 2000s. Ngayon, isa na siyang coordinator ng Filipino Domestic Workers’ Union sa Taiwan. 


Ayon kay Francia, ang buhay bilang isang domestic worker ang naturo sa kanya ng mga karapatan nila bilang mga migranteng manggagawa, at ang organisasyon ang nagbigay sa kanya ng daan upang ipaglaban ang kanilang katarungan. Hilig ni Francia na lumikha ng sining gamit ang mga recycled materials. Nakikita niya itong pamamaraan upang magbigay ng mensahe at ipaglaban ang adbokasya ng komunidad na kanyang kinabibilangan.

183240673_856514188288227_4715890236960856220_n.jpg

Cielo

London

Cielo spends most of her time organizing for Filipino Domestic Workers Association (FDWA). For Cielo, a hobby is something that one likes doing, and when asked about hers, the first thing that comes to her mind is organizing. Organizing for FDWA is part of Cielo’s daily routine; she responds to the call of migrant workers who need assistance and rescues them from abusive employers, any time of the day. 
 
What motivated Cielo to co-facilitate the workshop was her intention to build a network of migrant workers from Taiwan and Hongkong.

Chel.png

Chel

Hongkong

Sumali si Chel sa “Sanga-sanga” workshop dahil ito ang pinaka-pumukaw sa kanyang interes. Kumpara sa pagguhit ay mas kakaiba itong paraan ng paggawa ng sining, kaya gusto niya itong subukan. Ayon sa kanya, mahirap ang pagbalanse ng oras bilang isang migranteng manggagawa sa Hong Kong at bilang isang artist. Kapag may pagkakataon ay inilalaan niya ang kanyang day-off sa paglikha ng sining dahil determinado siyang pagtuunan ng pansin ang kanyang hilig.


Sa pagpopost ng kanyang mga gawa online, gusto ni Chel hikayatin ang iba na paglaanan ng oras ang kanilang mga kinahihiligang gawain. Gusto niyang tuklasin ng iba ang kanilang mga talento, dahil “kaya nilang gawin ang ano mang kanilang naisin, basta’t ito’y kanilang isinasapuso’t isinasaisip.”, ayon kay Chel.

Marites.png

Marites

Hongkong

Nakapagtapos si Marites ng Fine Arts at nagtrabaho bilang isang production artist, bago siya naging isang migranteng manggawa. Dahil sa kanyang arts degree, marami siyang kaalaman at kasanayan sa iba’t-ibang anyo ng sining. Pinili niyang maging isang domestic worker sa Hong Kong upang palawakin ang kanyang karanasan, liban sa pagtatrabaho sa isang production company. 


Ayon kay Marites, ang paglikha kasama ang iba pang mga participant ng Kamustahan ang nabibigay sa kanya ng inspirasyon upang mas pagtuunan ng pansin ang kanyang sining. Maski habang nasa trabaho ay nagkakaroon siya ng mga ideya kung ano ang iguguhit niya sa kanyang pag-uwi. Masaya siyang makilala ang iba pang mga artist sa mga workshop. Nais niyang matutunan ang paggawa ng furniture sa hinaharap.

rochelle.png

Rochelle

Hongkong

Rochelle is a self taught artist but her love for art also runs in their family. Just like many artists, creating art serves as her therapy to console her tired body after the day's work. She has been working as a domestic worker in Hongkong since 2009.

Marrz.png

Marrz

Hongkong / Philippines

Si Marrz ay isang transman na ngayon ay nakatira na muli sa Abra pagkatapos magtrabaho sa Hongkong ng 40 taon. Umuwi siya ng Pilipinas noon Nobyembre ng 2020 nang mawalan ng trabaho ang kanyang Amerikanong amo dahil sa pandemic. Siya ay co-founder ng Filguys HK, isang organisasyong nakabase sa Hongkong na ang primaryang adbokasiya ay ang pagsulong ng karapatan ng mga LGBT sa Hongkong at sa Pilipinas. Bago siya umuwi ng Pilipinas, tinuruan niya ang kanyang ka-miyembro sa Filguys HK kung paano mangasiwa ng same-sex marriage bilang isang pastor, na kanyang ginampanan sa organisasyon.

Cecil_edited.jpg

Cecil

Hongkong

Joan.png

Joan

Hongkong / Philippines

Michelle.png

Michelle

Hongkong

Jo.png

Jo

London

Si Joan Pabona ay isang street photographer at domestic worker. Mula 2013 ay nagtrabaho na si Joan Pabona sa Hongkong. Nahilig siya sa photography dahil sa kanyang pagmamasid sa kanyang kapaligiran at ang kanyang pag-hanga sa black and white photography. 

Ang kanyang mga litrato ay tungkol sa kanyang pang-araw araw na buhay sa siyudad. Mahilig siyang kumuha ng litrato ng mga emosyon at expressions ng mga tao sa kanyang paligid, na sa tingin niya ay nagsisilbi ring reflection ng kanyang karanasan bilang isang babae at estranghero sa isang lugar na tinuturing na niyang pangawalang tahanan. 


Si Joan ay nanalo bilang 1st runner-up sa National Geographic Wheelock Properties Youth Photo Competition noon 2017 (People and Happenings in Hong Kong section).

About us
bottom of page