Tungkol sa Proyekto
Ang proyektong Kamustahan ay isang pagtatangkang isalin at palawakin ang aming mga kolaborasyon at malikhaing interbensyon o pakikialam mula sa proyektong Curating Development patungo sa mga digital na espasyo. Nagsisilbi itong isang platform o tagpuan para maipagpatuloy ng mga artist ang kanilang mga proyekto kasama ang mga migranteng Pilipino na naudlot dahil sa pandemic. Sa proyektong ito ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga artist at mga migrante na kamustahin ang isa't isa sa pamamagitan ng sama-samang paggawa ng sining at pag-curate ng mga art project at exhibition.
Nagsimula kami sa isang simpleng kamustahan. Ang pagtanong ng kamusta? (o sa mas pormal nitong spelling, kumusta) ay ginagawa upang tanungin kung ano na ang kalagayan ng isang tao, upang magparamdam at magumpisa ng kwentuhan, upang magpahayag ng pag-aalala o pagmamalasakit sa kapwa, o upang muling kumonekta at buhayin ang relasyon sa kaibigang matagal nang hindi nakakausap.
Sa mga nauna naming kamustahan, ibinahagi namin kung paano nakaapekto ang pandemya sa aming mga gawain bilang mga artist, akademiko, domestic worker, organizer, aktibista, at mga boluntaryo sa isang shelter para sa mga migrante. Tinignan namin ang potensyal ng mga digital na platform at sining sa pagtugon sa aming mga bagong pangangailangan at sitwasyon. Tiningnan namin ang mga interseksyon ng aming mga karanasan, malikhaing ideya, at kakayahan upang mag-disenyo ng mga malikhaing proyekto na tutugon sa mga limitasyon ng mga video call at digital platform kung saan nakasalalay ngayon ang pagbubuo ng migration policies tungo sa pag-unlad ng mga Pilipino sa iba't ibang parte ng mundo.
Sa pamamagitan ng mga platform na inilatag ng Kamustahan, bumubuo kami ng isang porma ng web architecture na may kakayahang magpadaloy ng mga bagong porma ng pagkalinga na ngayon ay nagambala dulot ng pandemya. Sa Hongkong, hindi na maaaring magtipon sa mga pampublikong lugar ang mga magkakaibigan upang kumain, sumayaw, magkwentuhan at gumawa ng sining. Sa isang shelter sa Taiwan, pinili ng mga migrante na hindi muna bisitahin ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas dahil sa posibilidad na hindi na sila papapasuking muli sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan. Sa London, ang mga bulnerableng migranteng manggagawa ay nag-aalangang makipag-usap at kumokenta sa kanilang mga kababayan dahil sa takot. Dahil sa limitadong access sa mga lugar kung saan nagtitipon ang mga Pilipinong migrante gaya ng simbahan, community centers at mga pampublikong espasyo, nagiging limitado rin ang kanilang oportunidad upang makatanggap ng pagkalinga mula sa kanilang mga kababayan na siyang makakatulong sana upang maiangat ang kanilang kalagayan ngayong pandemiya.
Gamit ang online curation, naglatag kami ng mga espasyo para sa mga kwentuhan at sama-samang paglikha ng sining ng mga migranteng manggagawa, mga kapamilya, artist at mga aktibista. Tinuturing namin ang paggawa ng sining hindi lamang bilang isang paraan upang kolektahin ang mga testimonya ng mga migrante para mailantad ito sa publiko, kundi bilang isang proseso kung saan kami ay malikhaing nakapaglalatag ng mga tagpuan. Sa mga tagpuang ito ay mas madali naming mapagkukwentuhan ang aming mga karanasan bilang mga migrante sa panahon ng pandemya.
Sa pagturing ng digital exchange bilang isang porma ng sining, o bilang batayan ng paglikha ng sining, ay nakapagbubukas kami ng mga bagong espasyo at tagpuan sa loob ng ng Filipino diaspora. Sa mga likhang sining na mabubuo mula sa mga espasyo na ito ay naglalayon kaming maipakita at maiparamdam ang daloy ng obligasyon, pag-asa, pagkabigo, katatagan at kalinga na nag-uugnay sa praktika at policy .
Kamustahan sessions
SALU-SALO:
Planning workshop
MAYFLOWERS:
FLOWER-MAKING WORKSHOP AND VIRTUAL SANTACRUZAN
learn more >
SANGA-SANGANG AYUDA NGAYONG PANDEMYA: MAPPING NETWORKS OF CARE DURING THE PANDEMIC ACROSS THE DIASPORA
learn more >
Pagpapakilala:
Plenary session / Collage and assemblage workshop
LIHAM:
BASIC DRAWING WORKSHOP AND LETTER-WRITING
learn more >
AGTAYAB TAYON: BIRD SCULPTURES AND SPOKEN POETRY
learn more >
Meet the core team
Nathalie Dagmang
Lead Investigator
Artist / Facilitator
Si Nathalie Dagmang ay isang artist na lumilikha sa pagitan ng sining at antropolohiya. Sa kanyang mga kamakailang proyekto sa sining / pagsasaliksik ay nakatrabaho niya ang isang komunidad sa may tabing-ilog sa kanyang pinagmulang bayan ng Marikina, mga komunidad ng mga Overseas Filipino Workers sa UK at kamakailan lamang, mga food vendors at homeless sa isang heritage street sa Maynila.
Nakilahok siya sa mga artist residency at ipinamalas ang kanyang mga obra sa iba`t ibang mga gallery at mga community spaces sa Pilipinas, Hongkong, Singapore, Taiwan at UK. Sa kanyang artist residency sa Liverpool University niya nakilala ang mga miyembro ng Filipino Domestic Workers Association at Kanlungan Filipino Consortium, at naging parte ng proyektong Curating Development. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Department of Fine Arts ng Ateneo de Manila University.
Deirdre McKay
Co-investigator
Nagsasaliksik si Dr Deirdre McKay (Keele University) tungkol sa mga katutubo at sa kanilang kaunlaran at migrasyon. Siya ang sumulat ng Global Filipinos (Indiana, 2012) at ng An Archipelago of Care (Indiana, 2016). Naging parte siya ng mga proyektong pinondohan ng CIDA at AusAID sa Pilipinas at ng mga proyekto kinabibilangan ng Filipino migrant communities sa Canada, Hong Kong, London, at online. Pinag-aaralan niya ang mga personal na kwento ng kaunlaran, mga stratehiyang migrasyon, at sa pagpapakahulugan ng mga tao sa kanilang mga sarili, at kung paanong ang mga ito’y naaapektuhan at binabago ng social media. Nais niyang lalong bigyang-pansin ang kaunlaran, media, at creative approaches - sangkop sa ilan sa kanyang mga proyekto ay mga upcycled plastic arts at crafts, at ‘private aid’ matapos ang mga sakuna o kalamidad. Siya ay naging co-investigator sa proyektong Curating Development. magbasa nang higit pa>
Henrielle Pagkaliwangan
Artist / Facilitator
Si Henrielle Baltazar Pagkaliwangan ay isang visual artist mula sa Cavite, Pilipinas. Sinisiyasat niya ang mga kwentong nakapaloob sa ating mga kagamitan at iba pang mga bagay na nakapalibot sa atin, upang suriin ang material culture at kasaysayan ng Pilipinas. Sa istilong taxonomical, inilalarawan niya sa kanyang mga print at drawing ang samu’t-saring mga salaysay, personal man o makasaysayan. Siya ay nakapag-exhibit na sa mga museo at mga gallery sa loob at labas ng bansa.
Noong 2019, nakasama si Henrielle sa proyektong “Why Did You Come To Taiwan?”, isang exhibit na tungkol sa migrasyon at kolonisasyon, sa Museum of Contemporary Art, Taipei. Dito, nakilala niya si Sherry Torres Macmod Wang ng Serve The People Association (SPA. Taoyuan), na bahagi rin ng nasabing eksibisyon. Naging inspirasyon nina Henrielle at Sherry ang exhibit na “Beyond Myself” ng Curating Development sa pagpa-plano ng mga arts-based na proyekto para sa mga OFW na kasalukuyang nasa Taiwan. magbasa nang higit pa >
Alma Quinto
Artist / Facilitator
Para sa kanyang artist residency sa Center for Heritage Arts and Textiles (Hongkong) noong 2018, nakipag-collaborate siya sa mga migranteng Pilipino para sa kanyang proyekto na Day off mo? magbasa nang higit pa>
Jason Dy SJ
Artist / co-Facilitator
Si Jason Dy, SJ ay isang paring Heswita at contemporary artist na kasalukuyang nagtuturo sa Fine Arts Department ng Ateneo de Manila University.
Siya ay isang self-taught artist na gumagamit ng sining sa kanyang pag-aaral sa teolohiya at ang kanyang pagka-pari sa pastoral ministery. Noong 2009, itinatag niya ang Alternative Contemporary Art Studio (ACAS) sa garahe ng Sacred Heart Parish, Cebu City. Ang ACAS ay naglalayong itaguyod ang contemporary art sa Cebu.
Kinuha niya ang kanyang MA sa Creative Practice at MA sa Art History and Curating sa Liverpool Hope University, UK noong 2013.
Sa kurso ng kanyang pag-aaral sa UK ay nakahalu-bilo niya ang mga Pilipinong imigrante pati na rin ang ilang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Liverpool, Manchester, Blackpool, Norwich, at Ipswich. Sa panahon ng kanyang paninirahan sa UK, inilunsad niya ang proyekto na pinamagatang Flores De Mayo at noong 2017, nagsulat naman siya ng isang text-dasal para sa isang docu-fiction na Maid sa Mayfair. magbasa nang higit pa>
OUR PUBLIC EVENTS
Cielo Tilan
Co-facilitator / Coordinator for London
Founding member, Filipino Domestic Workers Association
Cielo spends most of her time organizing for Filipino Domestic Workers Association (FDWA). For Cielo, a hobby is something that one likes doing, and when asked about hers, the first thing that comes to her mind is organizing. Organizing for FDWA is part of Cielo’s daily routine; she responds to the call of migrant workers who need assistance and rescues them from abusive employers, any time of the day.
She is one of the co-facilitators of the Mayflowers project which started because of the Beyond Myself Exhibition back in 2017. What motivated Cielo to co-facilitate the workshop was her intention to build a network of migrant workers from Taiwan and Hongkong. Personally, she finds flower-making therapeutic.
Julia Mariano
Co-facilitator / Coordinator for Taiwan
Spokesperson, Migrante International - Taiwan Chapter
Volunteer, Serve the People Association - Shelter
Noemi Manguerra
Co-facilitator / Coordinator for Hongkong
Founding member, Guhit Kulay artist collective
Noemi has been a migrant worker for almost 18 years now. She worked for 2 years in Taiwan and spent the rest of her years in Hongkong, where she became one of the founders of Guhit Kulay, a group of Filipino migrant artist collective set up in 2017. Prior to establishing the organization, Noemi spends her day-offs at the park, drawing.
Noemi says that the Kamustahan sessions excite her because as a self-taught artist, she still discovers new techniques because of the workshops. More than the skills, she also appreciates meeting Filipino migrant workers from different parts of the world. Pre-pandemic, Guhit Kulay also launches physical art workshops, and Noemi is excited to facilitate similar workshops again, with the insights she developed from participating in Kamustahan.
Cris
Co-facilitator / Coordinator for Hongkong
Founding member, Guhit Kulay artist collective
Cris has been working in Hongkong for 25 years, where she’s also an active member of Guhit Kulay, a migrant artist collective set up in 2017.
Pre-pandemic, Cris is mostly a visual artist taking part in workshops and putting up exhibits in Hongkong. Because of the lockdown, she ventured to embroidery and sew cloth masks to cheer up her friends.
She grew up in Baguio where she owns a gown rental business on the side. She looks forward to applying what she learned in the workshops in developing her business.